16

By ,

Dalawang sunod na olats tutuldukan ni Jomary Torres

Sharing is caring!

Balik sa ONE Championship octagon si Jomary Torres at makakaharap nito si Lin Heqin sa isang undercard match sa ONE: Reign of Valor, Biyernes, Marso 8 sa Thuwunna Indoor Stadium sa Yangon, Myanmar.

Agarang nagpakilala si Torres sa ONE Championship nang itarak nito ang panalo sa unang tatlo nitong laban sa women’s atomweight division pero hindi ito nagtuloy-tuloy lalo na noong nakaraang taon.

Naisahan ni Priscilla Hertato Lumban Gaol si Torres sa ONE: Conquest of Heroes noong nakaraang Setyembre at napabagsak din siya ni Japanese fighter Mei Yamaguchi sa ONE: Destiny of Champions noong nakaraang Disyembre.

“It has not been easy, especially after losing my last two bouts, but I am not giving up. I want to make sure that I get back and regain my momentum,” sabi ni Torres.

Kilala sa kanyang mapanganib na stand-up game at mga takedowns pero hindi ito nagamit ni Torres sa kanyang huling dalawang laban nito.

Pinangako ni Torres na gagawin nya ang lahat para bigyan ng magandang laban ang kanyang Chinese counterpart na may magandang professional record na 16-2-1.

“I am motivated to show everyone the Jomary Torres of old. I know Lin Heqin is a great athlete, and I can’t wait to share the cage with her and prove that I belong there,” dagdag nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?