18

By

Dalawang aso dedo nang makulong sa sasakyan

Nagdadalamhati ang isang pamilya sa Minnesota dahil sa pagkamatay ng kanilang dalawang aso sa loob ng mainit na kotse habang pinaalagaan nila ito sa doggy day care operator.

Sumakabilang-buhay ang terrier mix ni Michael Rozin na si Simba at ang Labrador mix na si Jasper sa Urban Dog Care sa St. Louis Park noong Huwebes.

Naiwan ng bantay na si Cathy Menard ang dalawang aso sa loob ng kotse ng tatlong oras, at nang pagbalik nito ay patay na ang mga binabantayan.

Tumaas ng 84 degrees Fahrenheit ang panahon ng araw na iyon.

Inako ni Menard, na nagpapatakbo ng pasilidad ng pangangalaga ng hayop sa sa loob ng 21 taon, ang responsibilidad.

“I don’t want anyone to think I’m making excuses,” sabi ni Menard sa isang interview sa WCCO CBS Minnesota.

“This is 100 percent me. It was 100 percent horrible human error and that was it,” aniya.

Naghatid umano siya ng anim na aso sa kanyang sasakyan patungo sa isang pasilidad kung saan sila naglalaro.

Dinala niya ang unang apat na aso at nakalimutan niya sina Simba at Jasper.

Umalma naman sa social media ang kapamilya ni Michael na si Kathryn Rozin.

Katwiran ni Rozin, “It’s hard to forget these two in a car – especially when your profession is doggie daycare, she’s not merely a random dog walker.”

Dagdag pa niya, “This is her business and while she has several employees, she said she did this.”

Nagsampa na ng kaso sa lokal na pulisya at dito na-ilunsad ang isang pagsisiyasat sa pagkamatay ng mga aso.

Paulit-ulit din nilang sinasabi sa mga panayam at sa social media na si Menard ay hindi na dapat magpatakbo ng ganong klaseng negosyo.

Sa kabilang dako, iginigiit ni Menard sa kanyang mga kliyente na ipagpatuloy lang ang pagtiwala sa kanyang pangagalaga.

Ayon sa mga eksperto, maaring mamatay ang mga hayop mula sa heatstroke sa mga saradong kotse sa loob lamang ng 15 minuto

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?