3,810

By

Dalagita tinadtad ng hiwa sa katawan, nakatakas sa kidnappers

Trending ngayon sa social media ang isang dalagita umanong nakatakas sa mga dumukot sa kanya na sa tingin ng netizens ay mga kidnapper na nagbebenta ng laman-loob ng mga bata.

Sa post ng netizen sa Facebook, makikita ang larawan ng biktima na punong-puno ng mga hiwa sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Napansin ng netizens ang style ng pagkakahiwa sa bandang tiyan ng bata, na marka umano na tila kukunin ang kidney ng biktima.

“Hindi namin alam ang totoong nangyari lahat ito ay base sa kwento niya,
ipagpaubaya napo natin sa kapulisan. Please para sa AWARENESS ng lahat!! PAKI INGATAN ang mga anak, kapatid at ibang mahal sa buhay at IMONITOR kung nasaan sila lalo na kung magdidilim na! PLEASE!! mga lunch time ngayung araw humihingi ng tulong itong bata dito sa tindahan napakarami niyang sugat susmiyo nakapants daw sya ung short na yan e pandoble lang niya di daw niya alam paano nahubad dahil wala na sya maalala, nagpumiglas daw sya sa pagkakagapos pinainom namin ng tubig habang inaantay ang mga pulis siya ay pauwe na sakanila daw kagabi wala na siyang maalala akoy nanginginig at naiiyak na habang siya ay nagkwekwento at inaalala ko ang mga kapatid at pamangkin ko,” sabi ng netizen sa post.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?