329
Dalagita minolestiya ng kapitbahay sa Navotas
By

Dalagita minolestiya ng kapitbahay sa Navotas

Kulungan ang bagsak ng isang construction worker matapos pasukin ang bahay ng kapitbahay at abusuhin ang dalagitang nakatira dito, Lunes ng umaga sa Navotas City.

Nakilala ang suspek na si Alvin Rosales, 29, residente ng Barangay San Jose, Navotas City.

Nahaharap siya sa kasong rape sa Navotas Prosecutor’s Office matapos magsampa ng kaso ang mga magulang ng 13-anyos na biktima niya na itinago sa pangalang Joy, Grade 6 student ng Navotas City.

Ayon kay Navotas Police chief P/Col. Rolando Balasabas, pumasok ang lasing na suspek sa bahay ng biktima matapos umanong matunugang wala ang mga magulang nito alas-singko ng madaling-araw.

Agad na pinasok ng suspek ang kuwarto ng biktima na mahimbing pa sa pagtulog.

Sa salaysay ni Joy, nakaramdam siya ng pananakit ng ari at nagulat nang makita ang suspek sa kanyang tabi.

Agad na nagsisigaw ang biktima at nagawang makatakas nang sipain ang suspek.

Nabatid na may kahalayan ang ginawa ng suspek sa dalagita kung saan ay pinasok ng lalaki ang kanyang daliri sa maselang bahagi ng katawan ng biktima.

Agad na nagtungo ang biktima sa labas ng kanilang bahay at nakita ang ama at isinumbong ang pambababoy sa kanya ng suspek na agad ding tumakas.

Nagtungo ang mag-ama sa Navotas Police para ireklamo ang kapitbahay na suspek at agad namang nahuli sa ikinasang follow-up.

Ayon kina P/Cpl. Rey Ani Daza at P/Cpl. Kenneth Ferrer Iglesias ng Navotas Police, lasing ang suspek nang kanilang arestuhin.

Kasalukuyang nakakulong si Rosales sa Navotas Police detention cell habang hinihintay ang pagdinig sa kaso niyang rape.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?