211
Dalagita ipina-survey ang pagsu-suicide
By

Dalagita ipina-survey ang pagsu-suicide

Isang 16-anyos na babae ang naiulat na nagpakamatay matapos niyang makakuha ng 69% votes sa pa-survey niyang “dapat ba siyang mamatay o hindi”.

Ayon sa ulat, nangyari ang insidente sa Malaysian state na Sarawak.

Hindi naman pinangalanan ang biktima na nag-post ng suicide survey sa Instagram.

“Really Important, Help Me Choose D/L” ang nakasaad umano sa survey.

Halos lahat umano ng sumagot ay bumoto sa “death” o “D”, na nagresulta sa pagpapakamatay ng dalagita.

Isinuhestiyon naman ng isang abogado na dapat papanagutin sa insidente ang mga bumoto pabor sa pagpapakamatay ng biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?