3,369

By

Dalaga nilasing bago ginahasa ng katrabaho

Arestado ang isang lalaki matapos lasingin at gahasain ang kasamahan niyang empleyada, Lunes ng gabi sa Parañaque City.

Kinilala ni Police Col. Robin Sarmiento, hepe ng Parañaque City Police, ang nadakip na suspek na si Nino Rey Ayag, 41, laborer sa Generals Lechon at naninirahan sa Barangay Sun Valley ng nasabing lungsod.

Luhaang dumulog sa tanggapan ng Parañaque City Police ang biktima na itinago sa pangalang “Gerlie”, 26, dalaga at part-time bookeeper sa nabanggit na establisyimento na matatagpuan sa Sun Valley, upang ipagharap ng reklamo ang kanyang kasamahan sa trabaho.

Batay sa ulat, naganap ang insidente alas-otso ng gabi (Setyembre 16) sa bahay ng suspek sa Culdesac St., Barangay Sun Valley.

Lumabas sa imbestigasyon, magkasama sa trabaho ang biktima at ang suspek at nagkayayaan na mag-inuman kasama ang dalawa pa nilang kasamahan sa trabaho.

Sa gitna ng inuman ay agad na nakaramdam ng pagkalasing ang biktima at inalok ni Ayag na magpahinga muna sa kuwarto nito.

Bahagyang nakaidlip ang biktima at dito na sinamantala ng suspek ang pagkakataon.

Naramdaman ng biktima na may nakapatong sa kanya at nang idilat nito ang kanyang mata ay nakita niya na nakahubad na siya habang nilalamutak ng suspek ang kanyang dibdib at tuluyang isinakatuparan ang panghahalay.

Bagama’t sinikap umanong manlaban ng biktima ay hindi nito nagawa dahil sa labis na kalasingan at muling nakatulog.

Paggising ng biktima ay nakita pa nito ang suspek at kinumusta pa ito.

Agad nagbihis ang biktima at nagtungo sa himpilan ng Police Community Precinct 7 at inireklamo ang suspek.

Nadakip ang suspek sa isinagawang follow-up operation ng mga awtoridad. Pagdating sa himpilan ng pulisya todo tanggi ang suspek sa akusasyon sa kanya ng biktima.

Mahaharap si Ayag sa kasong rape.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?