91
john-estrada1
Apr 27, 2018 @ 12:53
By

DAILY RADAR: Paglipat ni John Estrada sa Kapuso Network, inaabangan na!

Wala pa kaming ideya kung nagsimula na ring magteyping ang former Kapamilya actor na si John Estrada ng “Mitho” na pagbibidahan ng Pambansang Bae na si Alden Richards.

Pero bukas, Saturday, April 28 ay mapapanood na ang mister ni Priscilla Meirelles bilang special guest bluffer sa “Celebrity Bluff” na ino-host ng award-winning actress/TV host na si Eugene Domingo.

Dinig namin, dalawang episodes ang naiteyp ni John dahil nasa America ngayon si Gabby Concepcion na pumalit naman sa ‘lumayas’ na bluffer na si Edu Manzano.

Tomorrow’s guests include Derrick Monasterio at Barbie Forteza (mga bida ng bubuksang primetime show na “Inday Will Always Love You” ng GMA Public Affairs); Gladys Reyes at Tina Paner; at mga malalapit na kaibigan ni John na sina Eric Fructuoso at Anjo Yllana.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?