283
inah-de-belen-alden-richards
Mar 6, 2018 @ 16:48
By

DAILY RADAR: Leading lady ni Alden Richards, mariing itinanggi ni Inah de Belen

Mariing itinanggi ni Inah de Belen, anak nina Janice de Belen at John Estrada, ang isyung lumabas sa social media na siya ang magiging leading lady ni Alden Richards sa gagawin nitong teleserye sa GMA Network.

Sa kanyang tweet, ani Inah, “JUST WANT TO CLEAR THINGS UP. THE RUMORS

CIRCULATING ARE NOT TRUE. IF IT WAS, I WOULD BE THE FIRST TO KNOW, WHICH I DIDN’T. CAN WE ALL MOVE ON NOW!”

Wala pang kumpirmasyon mula sa network sa bagong project na gagawin ng Pambasang Bae. At hindi pa rin sigurado kung ito ngang “Mitho” ang gagawin ni Alden, wala pa ring cast at higit sa lahat, wala pang napipiling leading lady.

Katatapos ni Alden ng 3-day intensive acting workship sa New York-based coach na si Anthony Vincent Bova, kasama ang aktres na si Ana Feleo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?