47

Feb 19, 2020 @ 18:57
By

Dahil wala na si Slaughter: Japeth magiging MVP – Tenorio

Kung si LA Tenorio ang tatanungin, hindi na dapat intindihin ng Ginebra ang pagkawala ni Greg Slaughter sa susunod na conference.

Ito’y matapos na ianunsyo ni ‘Gregzilla’ ang pagpapahinga sa liga matapos mapaso ang kanyang kontrata.

Saad ni Tenorio, wala na silang magagawa kung wala si Slaughter sa kanilang koponan.

“Hindi namin pwedeng problemahin yun the whole conference. Wala siya. We just have to move on,” ayon kay Tenorio.

“It’s just like noong nawala siya, noong na-ACL siya. Ganoon rin yun eh. We have to move on,” aniya pa.

Ayon pa kay ‘Gineral’, ito na ang pagkakataon ng ibang mga player para mag-step up ng kanilang mga big man.

“I think it’s better for the other players to step up. It’s time for them to step up and magpakilala dito sa team. Katulad nina Prince, Raymond Aguilar, meron na silang opportunity,” saad nito.

Ngunit ang kanyang inaasahan ay ang biglang paglakas ni Japeth Aguilar, na posibleng maging MVP season ng Ginebra big man.

Siguro set up rin to for Japeth to really soar high this season. So I think this is the MVP season from Japeth,” ayon kay Tenorio. “It’s time for Japeth to really be the leader and the main man na matagal na naming hinahanap.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?