97

By

Dahil tinawag na bakla: Darren kinasuhan si JK

Muling nabuhay ang iringan sa pagitan nina Darren Espanto at JK Labajo dahil sa balitang demandahan kontra sa huli.

Inilantad ni Atty. Lorna Kapunan, abogado ni Darren Espanto, na kinasuhan na ng cyber libel si JK na nag-ugat sa tweet nito noong nakaraang taon.

Sa nasabig tweet tinawag umanong ‘bakla’ ni JK si Darren, na iginiit naman ng ‘Buwan’ singer na na-hack lamang ang kanyang account.

Marso 2019 isinampa ang kaso ng ina ni Darren na si Marinel Gonzales-Cruz.

Ayon pa hindi dumalo sa dalawang magkasunod na hearing si JK. Malakas umano ang ebidensya sa kasong cyber libel kontra sa singer.

“We’ve seen the evidence here. The evidence is so strong. “And there can be no deniability na galing kay JK yung posting,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?