268

Dahil sa van kidnapping, publiko nabahala: Baka ideklara ang martial law sa PH!

Sambit ng publiko, huwag naman sanang gamitin ng administrasyong Duterte na dahilan ang mga napabalitang kidnapping sa Metro Manila kamakailan upang ideklara ang batas militar.

Muling nangamba ang mga netizen na baka gamiting rason para sa pagdedeklara ang mga kaso ng kidnapping, gayong nahuli sa video ang mga naka-van na suspek sa pangki-kidnap ng isang babaeng Chinese sa Makati City nitong Lunes.

Patuloy na sa pag-iimbestiga ang pulisya sa naganap na pag-kidnap malapit sa Greenbelt 1, bandang Paseo de Roxas corner Nieva Street, bandang alas-nuwebe ng gabi, Disyembre 9, 2019.

Pumasok din umano ang dalawang Tsino na suspek sa van, at matapos ang ilang minuto ay nagpumiglas ang babae at sinubukang lumabas sa sasakyan at nagsisigaw ng “tulong” sa wikang Mandarin, ayon pa sa mga saksi.

Bulalas ng mga naalarmang netizen, baka “state-sponsored” ang nangyaring pangki-kidnap at gamitin lamang na rason ng gobyerno upang makapagdeklara ng martial law.

Nakasaad sa 1987 Constitution na pwedeng magdeklara ang Pangulo ng Pilipinas ng batas militar sa mga kaso ng “invasion” o “rebellion,” o “kapag kinailangan ng public safety.”

Samantala, dineklara ngayong Martes, Disyembre 10, ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na hindi na palalawigin pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang higit dalawang taon na batas militar sa Mindanao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?