202

Dahil sa San Miguel: Ginebra hanggang runner-up na lang! – Tenorio

Ang powerhouse team ng San Miguel, mas lalo pang pinalakas sa pagdating ng isang super scorer ng liga, at isang PH national team veteran sa coaching staff.

Kaya biro ng Ginebra guard na si LA Tenorio, baka sa padating na season ay lamunin na ang ibang koponan at tanging runner-up finish na lang ang paglabanan.

“Di ko nga alam, baka runner-up na lang paglabanan namin,” saad ni Tenorio sa Spin.ph.

Pinabagsik lalo ang koponan ng San Miguel, dinagdag si Terrence Romeo mula sa TNT, ang pausbong na guard na si Paul Zamar at beteranong si Ronald Tubid.

Ngunit ang isa pa sa pinangangambahan ng mga koponan ay ang pagsali ni dating Gilas captain at one-time Asean Basketball League champion na si Jimmy Alapag.

Ayon kay Tenorio, tila may ‘Midas touch’ si Alapag na kahit anong hawakan ay nagreresulta sa kampeonato.

“I know Jimmy. Kahit saan siya magpunta nagcha-champion yung team niya eh, may it be coaching staff or player man siya. Meron siyang ganoong positive energy na dinadala, so I think it’s a great addition for them. Of course, alam mo madadala ni Terrence, di ba?” pakli ng Ginebra guard.

Gayunman hindi susuko ang Ginebra na mapatalsik sa trono ang San Miguel na target ang ikalimang sunod na Philippine Cup trophy.

“Sila yung barometer eh. Although we beat them in the Commissioner’s Cup, I think in the all-Filipino, it’s still San Miguel. But we’re gonna prepare, not only against San Miguel, but also yung ibang teams na lumakas,” dagdag pa nito. (RP)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?