45

Dahil sa parusang pagtakbo: Kelot na estudyanteng na-late, tigok

Dahil na-late sa iskul nang 25 minuto ang anim na mag-aaral, pinarusahan sila ng kanilang guro at pinatakbo sa school field, na nagresulta sa pagkamatay ng isa.

Nag-collapse ang 14-anyos na estudyanteng si Fanly Lahingide sa ikalawa nitong lap.

Agad itong sinugod sa Bhayangkara Hospital sa Indonesia, ngunit bigong masalba ng mga doktor.

Alas-8:40 ng umaga, Oktubre 1, 2019, dineklarang patay si Fanly.

Dalawang oras lang umano matapos kumain ng almusal ang lalaki, tinawagan na ang nanay upang sabihing hinimatay ito.

“I never thought this morning would be the last time I get to see my son. I hope no other child has to experience this,” saad ng nanay.

Sabi ng pulisya sa Tribun News, ayon sa ulat ng Asia One, magsasampa ng kaso ang pamilya ni Fanly laban sa nandisiplinang guro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?