516

By

Dahil sa pagtulong sa mga Taal victim: Angel Locsin tunay na Darna!

Sa oras ng sakuna, maaasahan talaga ang Kapamilya actress na si Angel Locsin.

Sa tweet ng aktres ay nagtanong ito ng mga pangangailangan sa mga naapektuhan ng explosion ng Taal Volcano at ilang mga barangay ang naapektuhan para makapagbahagi ng tulong sa mga nasalanta.

“Anyone here na may na-conduct na assessment kung anong mga kailangan, anu-anong baranggays at ilang families per baranggay? Thank you,” sey ni Angel.

Hindi tuloy maiwasan ng mga netizen ang humanga kay Angel dahil tila real-life Darna ang peg nito na laging nakahandang tumulong sa mga kapus-palad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?