2,143

By

Dahil sa pag-anib sa AFP: Matteo binanatan sa social media

Naging tampulan ng kritisismo ang bagong miyembro ng Army Reserve Command na si Matteo Guidicelli dahil sa Instagram post nito na naghihikayat na maging aktibo ang mga katulad niyang nasa showbiz sa mga isyung pambansa.

Ayon kay Matteo, dapat ay tumigil na ang mga showbiz personality sa pagpapatama sa administrasyon at magkaisa na lang sa pagsasaayos ng iba’t ibang isyu.

“Salute to the flag, salute to our beautiful country! We challenge YOU, especially our colleagues in the showbiz industry. Instead of talking smack about different issues, why not unite so we may progress to make a better tomorrow. What do you think?” ayon kay Matteo.

Sa Twitter, nakatanggap ng iba’t ibang pasaring si Matteo dahil sa pagsapi sa Armed Forces of the Philippines na ayon sa ilang netizen ay pumapatay sa mga inosente.

“tigil mo na yan, magiging kasapakat ka lang ng mga berdugong afp-pnp na pumapatay sa mga inosenteng sibilyan. hindi yan ang sukatan ng pagka-makabayan you do note,” giit ni @jay_keepswimmin.

“There is nothing patriotic with blind obedience to the institution founded by a colonizer, an institution that has plagued this country with thousands of killings and tortures. Go ask the Lumad, the Mangyan, IPs, the workers, peasants. The ordinary Filipinos,” patutsada naman ni netizen Shaira Patricia.

Nakipagsagutan naman si Matteo sa isang Laurence Castillo sa social media.

Ayon sa netizen: “Lol you allied with the AFP which is probably one of the least patriotic organisations in the country. It’s more concerned with defending foreign capitalists and big businesses (e.g. mining) than safeguarding the people’s welfare.”

“I suggest you just stop talking. Thanks,” banat ng aktor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?