156

May 4, 2019 @ 21:56
By

Dahil sa nagkalat na boobs: BF bawal manood ng ‘Game of Thrones’

Isang selosang girlfriend ang pinagbawalan ang kaniyang boyfriend sa panonood ng “Game of Thrones” dahil marami umanong topless scenes dito.

Inilabas ng lalaki ang hinaing sa Reddit at humingi ng payo sa mga netizen dahil hindi umano sila nag-uusap ng kasintahan dahil sa sikat na show.

Binaha ng mga comment ang kaniyang post at sinabing napaka-immature ng kaniyang girlfriend at pinayuhan pang hiwalayan na ito.

“Dude, run.”

“There’s nothing that makes this behaviour worth it.”

“I will never understand this kind of petty jealousy in relationships.”

“She needs to grow up. Do not cave in or alter your behaviour for this. Do not humour this. Or where does it end?”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?