100

By

Dahil sa LQ: Mag-dyowa dedo sa Dagupan

Alitan sa pag-ibig ang hinihinalang dahilan matapos matagpuan ang magkasintahang patay at lulutang-lutang sa parte ng Tanap Bridge sa Barangay Bonuan Gueset, Dagupan City noong Martes ng umaga.

Kinilala ng Dagupan City Police Station (DCPS) ang mga biktima na sina Jerry “Trixia” Soriano, 24, nagtratrabaho bilang kasambahay sa nasabing siyudad at residente ng Binmaley, Pangasinan at si Michael Balolong, 24, ng Barangay Bonuan Boquig ng nasabing siyudad.

Sa inisyal na imbestigasyon, ayon sa DCPS, unang nakita si Soriano na wala nang buhay sa nasabing ilog bandang 11:41 ng umaga.

Bago nakita ang katawan ni Soriano, nakatanggap ng tawag sa telepono ang DCPS ukol sa pagkakakita ng ilang residente sa katawan ng biktima sa ilog.

Sa pagsisiyasat ng pulis, nakitaan si Soriano iba’t ibang sugat sa kanyang ulo at katawan.

Samantala, makaraan ng ilang oras, natagpuan din ang bangkay ni Balolong, at pinaniniwalaang napagkasunduan ng magkasintahan ang mamatay sa suicide matapos umanong magkaroon ng alitan ang dalawa.

Nakita ng DCPS ang isang suicide note sa bahay kung saan nag-inuman ang dalawang biktima.

Ayon sa DCPS, patuloy ang ginagawang imbestigasyon hinggil sa insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?