2,340
Dahil sa korapsyon: Lotto, STL, iba pa, pinasara ni Duterte
By

Dahil sa korapsyon: Lotto, STL, iba pa, pinasara ni Duterte

Hindi na muna matatayaan ang inyong mga pambatong numero sa lotto dahil sa naging anunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte, Sabado ng gabi.

Ayon sa nilabas na video ng Palasyo sa Facebook at YouTube, pinapatigil ng Pangulo ang lahat ng aktibidad ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) dahil umano sa talamak na korapsyon sa ahensya.

Kasama sa mga ipapasara ni Duterte ay ang Lotto, Small Town Lottery at iba pang gambling activity mula PCSO.

“I have today ordered the closure, the stoppage of all gaming schemes or whatever nature however done that got the franchises to do so from the PCSO. The ground is massive corruption involving all…pati the courts who repeatedly issued injunctions to paralyze government and to allow corruption to thrive,” ayon kay Duterte.

“Pending investigation, lahat ho ng laro ng lotto, STL, Peryahan ng Bayan, or whatever nature, there’s one that ‘yung gambling machine, Keno, I said all gaming activities. ‘Yung gambling, that got the franchise from government through PCSO, are, as of today, suspended or terminated because of massive corruption,” aniya pa.

Inatasan na ng Pangulo na ipakulong ang bawat hindi susunod sa kanyang order na pagpapasara ng aktibidad ng PCSO.

“I am ordering the PNP, PNP Chief Albayalde, to arrest anybody, and goes also for the military, to arrest people engaged in gambling activities in connection with the franchises, licenses, concessions granted by the PCSO,” sambit ng Pangulo.

“I will give them 24 hours to remove them from public places. Tomorrow, beginning tomorrow at sunrise, everything, all transactions and gaming, wager of bets, becomes illegal.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?