76
sunog31
By

Dahil sa katol: Mag-lolo todas sa sunog sa CDO

Na-trap at namatay ang isang 64-anyos na lalaki at apo niya sa nasunog nilang bahay sa Cagayan de Oro City noong Linggo.

Ayon sa ulat, na-suffocate ang mga biktimang si Bomidiano Ramoga at apo niyang si Chester, 10, nang hindi makalabas ng nasusunog na bahay.

Lumabas sa imbestigasyon na nagsimula ang apoy sa tindahan na nasa harap ng kanilang bahay matapos masagi ng pusa ang katol na napunta sa tangke ng butane na sumabog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?