36

Feb 14, 2020 @ 13:13
By

Dahil sa COVID-19: Laro ng Gilas vs Thailand, sinuspende

Hindi na matutuloy ang laban ng Gilas Pilipinas kontra Thailand sa February 20 sa 2021 Fiba Asia Cup qualifiers.

Ayon sa tweet ng Fiba, suspendido ang laban ng Pilipinas at Thailand, na gaganapin sana sa Smart Araneta Coliseum.

Kasama pa sa mga suspendidong laro ay ang sa Japan vs China sa February 21, at China kontra Malaysia sa February 24.

Hindi pa naman pinapabatid kung kailan matutuloy ang mga labang kinansela.

Samantala, wala pang anunsyo kung tuloy o hindi ang laban ng Gilas kontra Indonesia sa February 23 sa BritAma Arena sa Jakarta.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?