22

Feb 16, 2020 @ 15:26
By

Dahil nasiraan, ilang istasyon sa MRT3 tigil-operasyon

Anim na istasyon ng Metro Rail Transit Line 3 ang tinigil ang operasyon kaninang umaga dahil sa sirang stretcher bar: mula North hanggang Ortigas Avenue.

Sa isang pahayag, sinabi ng pamunuan ng MRT3 na maisasakay lang nila ang mga pasahero mula sa Shaw Boulevard Station hanggang sa Taft Avenue Station.

Agad namang napalitan ang stretcher bar at nagawa na rin ang re-tightening at calibration works.

Tinuloy na rin ang normal na operasyon ngayong Linggo ng hapon, Pebrero 16.


Ngayong alas-tres ng hapon, merong 12 tren na bumibiyahe at 13 tren ang operational sa MRT-3.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?