1,567

By

Dahil nadawit sa scandal: Lolit naaawa kay Loisa

Nagsalita ang showbiz columnist at talent manager na si Lolit Solis ukol sa kumalat na scandal na iniuugnay sa Kapamilya actress na si Loisa Andalio.

Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Manay na lubos na nakapanlulumo ang epekto ng mga lumalabas na video na unang nangyari kay Colleen Garcia ngunit napag-alaman na hindi totoo.

“Gaya nang bago na naman kumakalat na sabi nila si Coleen, at iyon isa si Loisa, wala naman assurance na sila nga iyon pero pinaniwalaan na ng iba,” ayon kay Lolit.

“Kawawa hindi lang iyon mga babae kundi kahit mga lalaki na ginagawan nila ng video scandal,” aniya pa.

Hiling din ni Lolit ang agarang pagkakahuli sa mga nagpapakalat ng maselang video na nakakasira ng imahe ng mga artista.

“Dapat mahuli talaga ang gumagawa nito dahil unfair. Hindi dapat kumalat lalo pa at hindi totoo,” ayon pa sa talent manager.

Noong Biyernes ay kumalat ang isang video na ipinost ng isang nagngangalang Katrina Paraiso Simangan, na sinasabi ng mga netizen na tila may pagkakahawig din sa babae sa video scandal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?