43,476

By

Dahil kumain ng hilaw na baboy: 700 bulate natagpuan sa utak ng Tsino

Nasa 700 “parasitic worms” ang natagpuan sa utak ng isang lalaki matapos nitong kumain ng hindi pa gaanong lutong baboy sa China.

Sinugod sa isang hospital sa Zhejiang, China si Zhu Zhong-fa, 43, matapos lumabas sa kanyang bibig ang mga bulati na sanhi ng pagkawala niya ng malay.

Sa isinagawang MRI scan, ang mga bulati ay nakita sa kanyang utak at dibdib, isang kondisyon na tinatawag na “neurocysticercosis.”

Nabatid na ang parasitic larvae ay nakukuha sa hindi gaanong nilutong baboy, nabubuhay sa katawan ng tao, at pumapasok sa central nervous system na nagpapaigting sa seizures.

Nabatid na posibleng nakuha ni Zhong ang.mga bulate matapos kumain ng “hot pot” noong nakalipas na buwan, Disyembre 2019.

Pinainom umano si Zhong ng anti-parasitic drugs at unti-unti namang umayos ang pakiramdam nito sa kabila ng may senyales na nakikita ang mga doktor na nasisira na ang organs nito.

Si Zhong-fa ay nakatira sa siyudad ng Hangzhou at pumunta sa pagamutan nang makita ang paggapang ng bulati sa kanyang bibig.

Sa inisyal na pagsusuri, hindi kaagad nalaman ng mga doktor kung ano ang nangyari kay Zhong-fa hanggang isailalim ito sa scans.

Sinabi ng mga doktor na may ilang kaso kung saan namatay ang mga pasyente ng ganitong sakit.

Maari namang maiwasan ang ganitong kondisyon sa wastong paghuhugas ng kamay, pagluluto nang maigi ng kakaining baboy, at pag-inom ng malinis na tubig.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?