27

By

Daguioag dinagdag! TNT nangongolekta ng guwardiya

Todo ang pagsungkit ng mga guard ng TNT KaTropa para sa susunod na PBA season.

Sa kasalukuyan ay may pitong manlalaro ang TNT sa guard position, ngayon ay may madadagdag pa sa pagdating ni Ed Daquioag.

Nasungkit ng TNT si Daquioag sa Rain or Shine ng walang binibitawang manlalaro sa kanilang roster.

Ipinalit ng KaTropa sa Elast Painters ang tatlong second round pick (2020, 2021 mula NorthPort at 2022 mula San Miguel).

Sasamahan ni Daquioag sa guard rotation sina team captain Jayson Castro, Ray Parks, Ryan Reyes, Almond Vosotros, JK Cansino, rookie Kib Montalbo at bagong sungkit ding si Simon Enciso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?