40

Feb 21, 2020 @ 18:12
By

Dagdag-trabaho, mabilis na serbisyo sa PSA amendment

Dagdag-trabaho bukod sa mapabilis ang serbisyo partikular pagdating sa public utility ang magiging benepisyong ihahatid oras na maipasa ang panukalang pag-amyenda ng Public Service Act (PSA) na nakapaloob sa House Bill No. 78.

Ayon kay House Ways and Means Chair Joey Sarte Salceda, ang panukala na maglilikha ng dagdag trabaho sa transport, power at communications sector ay magiging daan na rin ng pagtatapos ng palpak at mahal na kalakal at serbisyo sa mga consumer.

“PSA amendments to create jobs in transport, power and communications, will spell beginning of the end of unreliable and expensive consumer goods and services,” ayon kay Salceda, isa sa mga may-akda ng panukala.

Dahil dito, panawagan ng kongresista ang madaliang pagpapatibay ng panukala na pangunahing solusyon upang mawakasan ang ‘unfair protection’ sa lahat ng sektor.

Naniniwala si Salceda na panahon upang amyendahan ang PSA na 84 taon na para sa tuloy-tuloy na pag-usad ng ekonomiya.

Sa ilalim ng panukala, bibigyan ng depinisyon ang public utility na kung saan ito’y magiging limitado na lamang ito sa electricity distribution, electricity transmission at water pipeline distribution o sewerage pipeline system.

Bukod dito, nakapaloob sa panukala magiging bukas na sa pag-aari ng mga dayuhan ang transportation at telecommunication.

“Now, we are amending it for an even bigger reason: to end unfair protection and to enable economic dynamism. Our laws are riddled with unfair and irrational protection for so many sectors. It’s the consumer who pays the price – bad, expensive, unreliable service, “ ayon ka Salceda.

Paglilinaw naman ni Salceda, magiging rasonable ang itatakdang mga kondisyon para sa mga nararapat na protektahan.

Ang panukala ay nakalusot na sa ikalawang pagbasa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?