104

By

Dagdag suweldo sa mga guro lulusot sa 18th Congress – Drilon

Kumpiyansa si Senate Minority Leader Franklin Drilon na malaki ang posibilidad maaprubahan sa 18th Congress ang panukalang dagdagan ang suweldo ng mga guro sa pampublikong paaralan.

Ito’y dahil aniya sa lumalawak na suporta ng mga mambabatas sa nasabing panukala.

Si Drilon ay isa sa mga senador na naghain ng panukala para itaas ang suweldo ng mga public school teacher. Ang iba pa ay sina Sens. Francis Pangilinan, Nancy Binay, Sherwin Gatchalian at Sonny Angara.

“We should provide teachers with the right incentives to encourage them to remain in the noblest profession of educating and molding our youth to become productive citizens of the country,” sabi ni Drilon.

Ayon kay Drilon, bagama’t ang sektor ng edukasyon ang nakakatanggap ng malaking bahagi ng national budget, maliit pa rin ang natatanggap ng buwanang suweldo ng mga guro kumpara sa ibang mga propesyunal.

“This bill hopes to invigorate our teachers as they help build the nation, one student, one classroom at a time,” ani Drilon.

“The proposed bill is geared towards improving the performance of our educators, thereby resulting to a better quality of education, and ultimately, a better Philippines,” dagdag nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?