60

By

Dagdag-sundalo sa Bicol, Negros, Samar, para sa eleksyon – Lorenzana

Sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na ang pagpapadala ng karagdagang mga sundalo sa ilang rehiyon sa bansa ay maaring bahagi ng ilalatag na seguridad para sa halalan sa susunod na taon.

Aniya ang Bicol, Samar at Negros ay mga lugar na may malaking puwersa pa rin ang New People’s Army at may mga karahasan naganap nitong mga nakalipas na linggo.

Ayon pa kay Lorenzana ang mga ito ay itinuturing na kritikal tuwing may halalan.

“Ito iyong mga kino-kontrol ng mga NPA para hindi maka-campaign iyong mga kandidato kung hindi magbayad sa kanila,” sabi ng kalihim at idinagdag, “Either kontrolin nila iyong mga movement ng mga kandidato or they will campaign in favor of candidates, so hindi na pantay iyong laban.”

Binanggit din nito na pinag-aaralan pa ng AFP ang ibang lugar maging ang pakikialam ng mga rebelde sa papalapit na eleksyon.

Ipinag-utos ni Duterte ang pagdaragdagang ng mga sundalo at pulis sa ilang lugar sa Luzon at Visayas sa pamamagitan ng Memorandum Order No. 32.

Hindi naman tinukoy ang NPA na nasa likod ng mga naganap na karahasan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?