510
Dagdag-sahod ng mga gov’t worker, ipinag-utos ni Duterte
By

Dagdag-sahod ng mga gov’t worker, ipinag-utos ni Duterte

Sa kabila ng paggamit ng reenacted budget ngayong taon, iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Budget and Management (DBM) na ibigay ang 4th tranche ng salary increase ng lahat ng mga kawani ng gobyerno.

Ang direktiba ng Pangulo ay nakapaloob sa Executive Order No. 76 na pinirmahan noong Marso 15, 2019.

Batay sa nakapaloob sa Salary Standardization Law, dapat naipatupad ang huling tranche ng salary increase noong Enero 1, 2019.

Batay sa EO, inaatasan ng Pangulo ang DBM na hanapan ng available na pondo ang salary increase sa 2018 General Appropriations Act hangga’t hindi pa naisusumite ss Malacañang ang enrolled bill para sa 2019 budget.

Hanggang ngayon ay nakabitin pa rin ang 2019 national budget matapos kalikutin ng liderato ng Kamara ang ilang probisyon ng naipasang budget na inangalan ng mga senador.

Sa kabuuan ay mayroong 1.7 million na kawani ng gobyerno sa buong bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?