68

By

Dagdag benepisyo para sa mga beterano, comfort woman target ni Villafuerte

Dalawang panukalang batas na magbibigay ng karagdagang benepisyo sa mga Filipino war veteran at “comfort women” ang itinutulak sa Kamara ni Camarines Sur 2nd District Rep. LRay Villafuerte kasabay sa selebrasyon sa Araw ng Kagitingan sa Abril 9.

Ito’y ang House Bill (HB) No. 9047, kung saan tinukoy ang dagdag na P3,000 across-the-board sa kasalukuyang natatanggap na buwanang pensyon ng mga beterano at ang HB No. 9046, na layon naman na magbigay ng kaparehong benepisyo pati na health insurance coverage sa mga comfort woman.

Sa ilalim din ng HB No. 9047, aamyendahan ang kasalukuyang batas kung saan papayagan ang surviving spouses o panganay na anak ng mga beterano na tumanggap ng benepisyo.

Sakop umano ng 9047 ang lahat ng mga beterano ng World War II, Korean at Vietnam wars.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?