60

Jan 6, 2020 @ 15:59
By

Dagdag-bawas sa presyo ng langis ikakasa

Nanguna ang kompanyang Pilipinas Shell na nag-anunsyo ng dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo para bukas, Enero 7.

Sa abiso ng Shell, magtataas sila ng P0.40 sentimos kada litro ng diesel at P0.30 sentimos naman sa kerosene kasabay ng P0.10 na bawas-presyo sa gasoline na epektibo, alas-6:00 ng umaga bukas.

Agad namang sumunod ang ilan pang kumpanya ng langis tulad ng Petron Corporation, PTT Philippines, Seaoil, Phoenix Petroleum, Eastern Petroleum, at Petro Gazz na kahalintulad din na halaga ng presyo.

Asahan pa na ang susunod ang iba pang kumpanya ng langis sa kaparehong dagdag-bawas sa presyo ng kanilang produktong petrolyo kahit wala pang abiso ang mga ito.

Sa Miyerkoles, Enero 8, naman ipapatupad ng Cleanfuel ang P0.40 taas-presyo sa kada litro ng diesel at P0.10 bawas-presyo sa kada litro ng gasolina.

Ang bagong price adjustment ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan, at hindi ng excise tax sa petrolyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?