70
Daan-daang dolphin namasaker sa France
By

Daan-daang dolphin namasaker sa France

Daan-daang patay na dolphin ang inanod sa mga beach sa France.

Nadiskubre ito ng mga volunteer mula sa Sea Shepherd France sa Les Sables d’Olonne.

Nagtamo ang mga kawawang dolphin ng mga bali, tanggal na mga buntot at palikpik at malalalim na sugat dahil sa pagkakahuli sa kanila ng mga fishing net.

Nangangamba naman ang mga eksperto na tumaas ang bilang ng mga “bycatch” victims na mga French dolphin.

Nahuhuli ang mga dolphin sa vast nets na kalimitang nakalagay na sa sea bed at kapag natengga ang dolphin dito ay hindi na sila makaalis para umahon sa dagat at makahinga kaya nasu-suffocate na sila at namamatay.

Pinaniniwalaan namang ang fishing industry sa French coastal town ang nagiging sanhi ng pagkamatay ng maraming dolphin dahil sa pagpayag nito sa mga mangingisda ng paggamit ng trawl na walang pingers, na para sana maiwasan ang dolphin poaching.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?