55

Feb 3, 2020 @ 17:47
By

DA clueless kung paano pumasok ang ASF sa Mindanao

Walang maisip na rason ang Department of Agriculture (DA) kung paano nakapasok ang African Swine Fever (ASF) sa bayan ng Don Marcelino sa Davao Occidental.

Sabi ni DA Secretary William Dar, liblib na lugar ang Don Marcelino at tabing-dagat pa ito kaya hindi niya maintindihan kung paano nakarating doon ang sakit.

Ayaw aniya niyang magbigay ng haka-haka kung paano nakapasok sa bayan ang ASF at kasalukuyang iniimbestigahan ng kagawaran ang pangyayari para malaman ang pinagmulan nito.

Ayon kay Dar, nagbibigay ng ayuda ang provincial government sa pamamagitan ng pagbili ng mga baboy sa halagang P5,000 kada ulo. Malaking bagay ito, ayon sa kalihim, dahil hindi na magkakabentahan nang patago ng mga maysakit na baboy.

“Good move, it’s a game changer in terms of controlling the virus and not spreading the virus. Chances are it is still there even for not affected pigs lalo na’t kung hindi maganda ang pagka depopulate,” sabi ni Dar.

Sa kabila ng batikos ni dating DA Secretary Manny Piñol sa kahandaan sa paglaban sa pagkalat ng ASF sa Davao, giniit ni Dar na kontrolado ng kagawaran ang sitwasyon ng ASF sa lugar.

“We are on top of the situation,” sabi ni Dar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?