27
D-League: Munzon, Johnson halimaw sa 2OT win ng AMA
By ,

D-League: Munzon, Johnson halimaw sa 2OT win ng AMA

Kumayod ng 38 points at 16 boards si Joshua Munzon para iligtas ang AMA Online Education Titans kontra Batangas-EAC Generals 122-119 sa double overtime at makabalik sa win-column sa 2019 PBA D-League Lunes sa JSCGO Gym sa Cubao.

Katuwang ni Munzon sa opensa si Frankie Johnson na mayroon ding dambuhalang 37 puntos, habang sawsaw ng 18 points si Ryan Arambulo.

“Siguro ‘yung composure nung players. Sabi ko nga sa kanila, nandito na lang din tayo, ito na ‘yung mga chance na manalo tayo. Dapat may puso na ipaglaban ang team natin,” wika ni AMA coach Mark Herrera.

Pinahirapan nang husto ng Generals ang AMA pagdating sa payoff period kung saan naitabla ng EAC sa 88 ang laro sa huling 2:42 bago maipwersa ito sa overtime, 93-all sa mahigpit na depensa ng tropa kay Munzon.

Pagdating ng First OT ay agarang umariba ang AMA at naiposte agad 101-99 na kalamangan pero mahigpit ang Batangas at muli na namang pumasok sa overtime bitbit ang 106-all.

Sa second overtime mas lalong naging gitgitan ang laban at halos magsagutan lang ang dalawang tropa bago umariba si Johnson sa huling 9.8 seconds at iangat sa 120-117 ang laro, na agad naman sinagot ni Philip Tampoc, 120-119 bago maselyuhan ng dalawang freethrows ni Johnson, 122-119.

“Ito game kasi na ito very crucial sa amin kasi kapag natalo kami wala na kaming tsansa. Sabi sa amin ng management, ‘laban lang hanggang dulo’,” dagdag nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?