24

By

D-League: Diouf, CEU paaamuin ang iWalk

Ibabanderang muli ng CEU si Senegalese big man Malick Diouf pagbangga sa iWalk Chargers sa unang laro sa Huwebes 2019 PBA D-League Foundation Cup sa JCSGO Gym, Cubao ala-1:30 ng hapon.

Humarabas ng double-double output si Malick, 18 puntos sahog pa ang 23 rebounds kamakailan sa panalo nila kontra AMA Online Education, 86-77.

Para naman sa iWalk Chargers, susubukan nilang dungisan ang Scorpions upang ibigay ang unang talo nito sa torneo na may 3-0 win-loss record para sa Group A.

Magiging sandata ng Chargers si JP Belencion na kamakailan lang ay gumawa ng 38 points upang salyahin ang Nailtalk Savio nitong nakaraang Huwebes.

Pipilitin nilang pahabain ang tw-game winning streak tangan ang 3-1 panalo-talo baraha.

Salpukan rin ang Italianos Homme kontra Black Mamba Chargers sa ikalawang laro ganap na alas-3:30.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?