9

By

D-League: Black, AMA ‘di titiklop sa Marinero

Quarterfinals ngayon:

(Ynares Sports Arena, Pasig)

1:30pm — Marinerong Pilipino* vs AMA

3:30pm — CEU* vs Asia’s Lashes

* (may twice-to-beat advantage)

Sasamantalahin ng Group A leaders Marinerong Pilipino at Centro Escolar University ang kanilang twice-to-beat advantage sa 2019 PBA D-League quarterfinals ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Sasagupain ng Marinero ang AMA University sa unang laro ala-1:30 ng hapon.

“Yung AMA game namin, dikit yun. Kailangan namin sila paghandaan,” pahayag ni coach Yong Garcia.

Hindi naman titiklop ang AMA sa pangunguna ni triple-double machine Aaron Black.

Samantala, tiyak na kakargahin ni Senegalese big man Malick Diouf ang CEU Scorpions laban sa Asia’s Lashes Tomas Morato sa second game bandang alas-3:30 ng hapon.

“We know we’re a young team but we’re gonna keep on playing as hard as we can,” wika ni Alvin Grey.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?