163

By

Cynthia Villar aminadong pamilya ng political dynasty

‘Good dynasty’ – ‘yan ang paglalarawan ni re-electionist senator Cynthia Villar ng maitanong kung sila ba ay pamilya ng political dynasty.

“A good dynasty,” pakli ni V illar sa panayam sa ANC.

Ngunit ayon naman sa senadora, kung sakaling ipagbawal na ang dinastiya sa pagpasa ng anti-dynasty bill, tatalima naman ang kanilang pamilya dito.

“Sa aming pamilya, wala namang maraming tatakbo. I mean, we were short of candidates,” aniya pa.

Isa sa mga Villar na kakandidato maliban sa kanya ay ang kanyang anak na si Camille, na hanap ang upuan sa Kongreso sa Las Piñas City. Ang anak naman nilang si Mark Villar ay ngayo’y Public Works and Highways secretary.

Dati na ring naging senador ang kanyang asawa na si Manny Villar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?