33

By

Cute na kuting bagong miyembro ng K-9 unit

Ibinahagi ng Fort Smith Police Department sa Arkansas ang mga larawan ng kanilang pinakabagong miyembro, isang kulay puting kuting na may asul na mata.

“Introducing our Pawfficer, the newest member of the FSPD Team,” nakasaad sa kanilang post kasama ang ilan sa mga litrato ng pusa.

Sa naturang post ay humingi ng opinyon ang Fort Smith Police Department sa kung ano ang bagay na pangalan para sa cute na pusa.

“In the next several days, we will be compiling names for our furry friend. We will be asking for the public to help us pick the purrrrfect name,” sulat ng kagawaran ng pulisya.

Ilang netizen ang nagmungkahi na ‘Pawfficer’ ang gawing pangalan ng kuting.

Ilan sa ibang mga pangalan na suhiestiyon ng mga tao ay ‘Pistol’, ‘Captain’, ‘Blueblood’, ‘Sergeant’ at ‘Chief’.

Ayon sa ulat ng Fox 35, nagpasiya silang ampunin ang pusa bilang paraan upang kumonekta sa mga residente ng kanilang lungsod.

Dagdag ng departamento na ang buong proyekto ay idinisenyo upang iparating sa mga tao na madali silang lapitan at gumaan ang loob ng mga tao sa mga pulis.

Inaasahan din nilang magbibigay inspirasyon ito sa mga residente upang mag-adopt ng mga hayop sa lokal na mga shelter.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?