25

By

Curry patok na brodkaster

Maangas ang laro ni Stephen Curry sa court, pero sakaling magdesisyon na tumigil na sa paglalaro ay siguradong may gagawin pa rin siya: ang broadcasting.

Hindi pa napapakinabangan ng Golden State si Curry habang nagpapagaling mula broken left hand, naging courtside reporter muna ang two-time MVP.

Naka-coat pa siya habang hinihimay ang Warriors-Magic game noong Sabado.

Hindi ang resultang hinahanap ng Warriors ang nangyari dahil pinasadsad sila ng Orlando 109-95, pero pasado na si Curry.

Tulad ng isang mahusay na guard, matalas ang mata ni Curry.

Multi-tasking pa siya.

Habang nakikipagbatuhan kina broadcasters Bob Fitzgerald at Kelenna Azubuike, may komento siya sa mga nangyayari sa court ng Chase Center.

Kausap si Fitzgerald, napaigtad si Curry nang idakdak ni Willie Cauley-Stein ang lob.

“My plus-minus as a sideline reporter is phenomenal,” pahayag pa ni Curry. “I might need to quit.”

Halos humiyaw na siya nang pumasok ang runner ng bayaw niyang si Damion Lee.

“That’s my family with the floater!” sigaw ni Curry.

May medical update siya sa sariling injury: “I’ve been making progress, no setbacks.”

May play-by-play pa.

“The Warriors have opened up a 12-point lead with three minutes left in the third quarter,” suma niya. “Great Warriors defense. They’re swarming all over the place!”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?