22

By

Cruz bumida, Rizal tinumba

Kahit na kulelat, di dapat minamaliit.

Ito ang naging panuntunan ni ex-pro Mark Cruz na nagsalpak ng triple-double para buhatin ang Pampanga Giant Lanterns sa pagpulbos sa Rizal Xentro Mall Golden Coolers, 90-70, sa 3rd Chooks-to-Go MPBL Lakan Cup 2019-2020 eliminations, Huwebes sa Ynares Sports Arena.

Kahit tinambakan ng 20 puntos sa huling laro ay hindi naman minaliit ng former Blackwater Elite guard na si Cruz ang Rizaleños.

“For us talagang hindi namin tinatake for granted [yung mga kalaban]. Hindi namin tine-take for granted ang standing nila,” pahayag ni Cruz na humulma ng 10 points, 10 rebounds at 12 assists.

Aminado siya na may mga butas pa rin ang mga Kapampangan ngunit malaki pa rin ang kumpiyansa niya sa niya dahil may solusyon para matapalan ang butas.

“May game kami ngayon and hindi naman nila ibibigay sa amin nang madali iyan, so nag-work hard pa rin kami though nagkaroon kami ng slow start sa first quarter pero bumawi kami sa second quarter and sa second half,” panapos na sambit ni Cruz.

Nakasabwatan niya si team skipper Michael Juico na may 19 markers at 8 boards para Lanterns habang umagapay ang isa pang ex-pro na si Levi Hernandez na may 14 markers upang kunin ang ika-5 sunod na panalo at 18-9 kartada sa Northern Division.

Walang silbi ang pasabog na 21 game-high points at 8 caroms ni Kelvin Gregorio dahil nalasap ng Rizal ang panlimang sunod na talo tungo sa 4-21 win-loss record sa nasabing dibisiyon.

Ang iskor:

Pampanga 90 – Juico 19, Hernandez 14, Cruz 10, Maiquez 9, Cervantes 9, Apreku 7, Binuya 7, Gomez 6, Muyang 4, Alberto 3, Acuno 2, Fabian 0, Salcedo 0, Enriquez 0, Baltazar 0.

Rizal 70 – Gregorio 21, Benitez 10, Raflores 9, Hoyohoy 7, Leynes 5, Casajeros 5, Saliente 5, Bacay 3, Regalado 3, Bautista 2, Rosales 0, Acuna 0, Butel 0.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?