1,959
manny-pacquiao
By

Crawford dudurugin si Pacquiao – Arum

Sharing is caring!

Kung si Top Rank owner Bob Arum ang tatanungin, dapat ay iwasan ng ‘Pambansang Kamao’ Manny Pacquiao ang pakikipagbangasan kay World Boxing Organization welterweight champion na si Terrence Crawford.

Ito’y kahit pa pausbong muli ang karera ng 40-anyos na si Pacquiao, panalo ng dalawang sunod kontra kina Lucas Matthysse at Adrien Broner para maging isa sa hari ng welterweight division.

Sa Spin Zone column ni Homer Sayson sa Spin.ph, nagbigay ng kuro-kuro si Arum sa posibleng sunod na makalaban ni Pacquiao.

Nang maitanong ang pangalan ni Keith Thurman, ang World Boxing Association Super Welterweight champ, paligoy-ligoy ang naging tugon ni Arum.

“Manny is very intelligent. He knows better than I and it’s up to him to make those determinations as to who to fight next.”

Ngunit nang lumutang ang pangalan ni Terrence Crawford, biglang napapreno ang Top Rank boss, tila gustong balaan ang fighting senator na hindi niya kakayanin ang lakas ng alaga.

“It’s a bridge too far,” maikling tugon ni Arum.

Sa dating panayam kay Arum sa FightHubTV, kanya nang nasabi na may inilulutong laban sa pagitan nina Pacquiao at Crawford ngunit binakuran niya aniya ito dahil gusto niyang pangalagaan ang dating alaga.

Well I killed the fight,” ayon kay Arum. “Yeah. No, because I know how it would end… not that I knew that it would end in serious disability for Manny — that I wouldn’t know — but as a fight it would only end one way,” eksplika ni Arum.

“Forget my emotions, I wouldn’t wanna see him take that kind of damage because it might affect his quality of his future life,” dagdag pa niya.

Hindi pa tukoy ang susunod na makakalaban ni Pacquiao, samantalang haharapin naman ni Crawford ang isa pang matikas na boxer na si Amir Khan sa Abril.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?