40

Feb 17, 2020 @ 19:24
By

‘Crash Landing On You’ dinurog ang ‘Goblin’

Nagtapos na may pasabog ang Korean TV series na “Crash Landing on You”.

Sa series finale noong February 16, nagselyo ng bagong record ang hit drama nina Hyun Bin at Son Ye Jin para sa “highest viewership ratings” sa tvN history.

Ayon sa Nielsen Korea, nakakuha ng average nationwide rating na 21.683% ang final broadcast ng “Crash Landing on You”.

Dinurog nito ang dating record ng “Goblin” noong January 2017 na 20.5%

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?