25

Jun 30, 2020 @ 17:28
By

COVID positive sa ‘Pinas, sampa sa 37,514

1,080 ang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, dahilan para umabot na sa 37,514 ang kabuuang bilang ng nagpositibo nitong Martes.

Sa tala ng Department of Health, 858 ang tinuring na fresh case habang 222 naman ang kasama sa late case.

Ang nasabing bilang para sa fresh case ang pinakamataas na naitala sa isang araw, at ayon kay Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire ay kanilang pag-aaralan ang pagsirit nito.

Sa mga fresh case, 158 ay mula sa Metro Manila, 430 naman ay galing sa Region VII habang 270 na sa ibang rehiyon.

Samantala, akyat naman sa 10,233 ang bilang ng mga gumaling sa 277 new recovery.

Habang bahagyang tumaas ang death toll sa 1,266 sa 11 bagong nasawi sa virus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?