36

May 23, 2020 @ 9:54
By

COVID ‘di napigilan ang muling kasalan ng 2 senior citizen

Kahit ang COVID-19 pandemic ay hindi makakahadlang sa pag-iibigan nina Ricky at Consuelo Florencio.

Natuloy ang muling pagsabi ng ‘I do’ ng dalawa sa harap ng altar ng isang chapel sa kabila ng nararanasang pandemya ng bansa.

Bagama’t pinigilan ng kanilang mga kapamilya, hindi umano pinalagpas ng couple na 49 years nang nagsasama na muling ikasal sa isa’t isa.

Sa renewal of vows ng dalawa, iniskipan na ang ilang tradisyon sa kasal at wala ring guest para masunod ang pagbabawal sa mass gathering.

Pinapayagan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang kasalan sa ‘new normal’ basta’t limitado lamang ang dadalo sa nasabing seremonya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?