19

Jun 30, 2020 @ 17:55
By

COVID case sa Quezon City, sirit sa 3,362

Akyat sa 3,362 ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa Quezon City nitong Martes.

Sa nasabing mga kaso, 1,041 ang tinuturing na active case o iyong mga nagpapagaling pa at under quarantine.

3,284 naman ang nakuhanan ng kumpletong address, habang 3,252 ang na-validate na ng Epidemiology and Surveillance Unit at District Health Office.

Samantala, nasa 1,978 naman ang bilang ng mga gumaling sa 94 new recovery, habang 233 naman ang death toll sa apat na bagong nasawi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?