46

Mar 31, 2020 @ 18:49
By

COVID-19 response report ni Duterte, kulang sa detalye – Drilon

Hindi kuntento si Senate Minority Leader Franklin Drilon sa nilalalaman ng isinumiteng report ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso kaugnay ng kanilang aksiyon sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

“We have to see a comprehensive COVID financial package that will cover both the health and economic aspects. The report does not show us what this looks like,” pahayag ni Drilon sa isang statement.

“For one, has the government augmented our health workforce? The 2020 budget has funds for the hiring of nurses and doctors under the Miscellaneous and Personnel Benefit Fund,” paliwanag nito.

Sabi pa ni Drilon, batay sa ulat ni Duterte, wala ring special purpose funds ang nakalaan para sa COVID-19 measures maliban sa P500 milyong replenishment sa Quick Response Fund ng Department of Health (DOH).

Kaugnay nito, hinikayat ni Drilon ang pamahalaan na madaliin na ang pamamamahagi P200 bilyong financial assistance sa mahihirap ng pamilyang Pinoy par amaibsan ang kanilang gutom bunsod na epekto ng lockdown sa buong bansa.

“Marami po sa ating mga kababayan ang nagugutom na. We need to feed the poor and make them healthy,” sabi ni Drilon.

“We need to augment funding for our healthcare system, buy more test kits, personal protective equiipment (PPEs), mechanical ventilators, among others,” dagdag nito.

Naniniwala pa si Drilon na ang kakulangan ng sapat na pondo ang magpapahina sa gobyerno para labanan ang COVID-19.

Dahil sa pandemic at lockdown, labis aniyang naapektuhan ang revenue collection ng gobyerno gayundin ang paglabas ng pondo nito

“Our tight fiscal space seriously affects the government’s capabilty to address COVID-19,” ayon kay Drilon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?