1,611

Apr 8, 2020 @ 16:04
By

‘COVID-14’ ni Lani Mercado, pinulutan sa social media

Kumalat sa social media ang video ng maling tawag ni Bacoor City Mayor Lani Mercado sa coronavirus disease.

Sa viral video, maririnig na nanawagan si Mercado sa lahat na magkaisa laban sa COVID.

Pero imbes na COVID-19 ay tinawag niya itong “COVID-14”.

Pinagtawanan ito ng mga netizen at inulan ng maraming meme.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?