21

By

Countdown sa 2021 FIBA Asia Cup nag-umpisa na

Inumpisahan na ang 100-day countdown ng FIBA Asia Cup 2021 Qualifiers.

Hinati sa anim na grupo ang 24 na teams, kabilang ang Pilipinas, na lalaro sa double-round robin format sa tatlong windows ng home-and-away games.

Nasa Group A ang Pilipinas kasama ng Korea, Indonesia at Thailand.

Group B ang China, Japan, Chinese Taipei at Malaysia, sa Group C ang Australia, New Zealand, Guam at Hong Kong.

Lebanon, India, Iraq at Bahrain sa Group D; Iran, Qatar, Syria at Saudi Arabia sa Group E; at Jordan, Kazakhstan, Palestine at Sri Lanka sa Group F.

First window sa Feb. 17-25, game days ng Feb. 20-21 at 23-24. Sa Nov. 23-Dec. 1, 2020 ang second window, game days ay Nov. 26-27 at 29-30.

Sa Feb. 15-23, 2021 ang concluding window, game days ng Feb. 18-19 at 21-22.

Kabuuang 72 games ang ilalaro sa tatlong windows.

Pagkatapos ng Qualifiers, abante sa FIBA Asia Cup 2021 ang top two teams ng bawat grupo.

Ang anim na third-placed teams mula sa bawat grupo ay magbubuno sa hiwalay na Qualifying tournament para pag-agawan ang last four slots sa 16-team roster ng Asia Cup.

Defending champion ng Asia Cup ang Australia na sumali sa kumpetisyon noong 2017.

Sinipa nila sa trono ang three-time winners Iran. Pinakamaraming gold sa FIBA Asia Cup ang China na may 16.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?