86

By

Cotabato at Daraga, Albay isinailalim na sa Comelec control

Inilagay na sa kontrol ng Commission on Elections (Comelec) ang Cotabato City at Daraga, Albay nitong Martes.

Batay sa Comelec Resolution 10480, isinailalim sa kontrol ng poll body ang Cotabato para sa plebisito sa ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law at dahil sa nangyaring pagpapasabog sa lungsod noong nakaraang taon.

Samantala, isinailalim din ang Daraga, Albay sa Comelec control para naman sa 2019 midterm elections sa Mayo 13, batay sa Comelec Resolution 10479.

Ito’y kasunod ng pagpatay sa mayoralty candidate na si Ako Bicol party-list Rep. Rodel Batocabe noong nakaraang taon din.

Ibig sabihin nito, kontrolado ng Comelec ang police at military units sa mga lugar na isinailalim dito.

May bisa umano ang Comelec control sa naturang mga lugar hanggang sa matapos ang election period sa Hunyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?