80

By

Corpuz, Ramos palit uniporme

Tawid-bakod si Jackson Corpuz, mula Columbian Dyip ay lilipat na ng Magnolia Pambansang Manok kapalit ni veteran big man Aldrech Ramos.

Inaprubahan na ng tanggapan ni PBA Commissioner Willie Marcial ang one-on-one trade nitong Biyernes.

Matapos masungkit si Roosevelt Adams sa PBA Draft noong Linggo, naghanap ng slotman ang Dyip na tatao sa gitna.

Hindi na raw ni-renew ang kontrata ni JayR Reyes na dati ay ipinambabara ng Columbian sa paint.

Hiningi raw ng Hotshots si Corpuz, kilalang epektibong wingman.

Naging mas lalong loaded ang rotation ni coach Chito Victolero sa wings at guards, isinahog si Corpuz kina Mark Barroca, Paul Lee, Jio Jalalon at bagong salta rin mula Alaska na si Chris Banchero. May Ian Sangalang, Marc Pingris at Rafi Reavis pa sila.

Dagdag na si Aris Dionisio, 9th pick overall ng Magnolia sa nakaraang draft, at mukhang lalo nang naging palaban ang Hotshots.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?