113

COP26 dapat respetuhin ang pag-adjust ng PH sa epekto ng climate change

Isa sa mga inaasahan ni Deputy Speaker at Antique Rep. Loren Legarda sa ASEAN Priorities ang suporta ng Conference of Parties (COP) 26 sa pag-adjust ng developing countries, gaya ng Pilipinas, sa mga epekto ng climate change.

Pamumunuan ng United Kingdom (UK) ang COP 26 sa susunod na taon.

“The Philippines also expects the UK COP Presidency to respect the struggle of developing countries to survive the impacts of climate change by putting in place their “anticipatory adaptation” systems. Not only do we expect the committed support under the 4 Convention, but also to be given time to adjust our economic systems underpinned by state of the art climate friendly technologies,” hayag ni Legarda, punong delegado ng Pilipinas sa ginaganap na United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC) sa Madrid, Spain kahapon, Disyembre 12, 2019.

Sinabi rin niyang bukas ang Pilipinas, maging ang iba pang bansa sa ASEAN, sa market-driven approach para pagaanin ang global greenhouse gas (GHG) ngunit posible ring bigyang-insentibo ng gobyerno ang gumaganang carbon market.

Hangad din aniya ng bansa na suportahan ng UK COP Presidency ang agenda na Climate Vulnerable Forum (CVF) at the Vulnerable Twenty (V20) Group, at dapat din aniyang magtatag ang COP26 ng transparent at accessible na sistema para masubaybayan ang paggamit at pag-generate ng certified emission reduction credits (CER).

Nakikita rin aniya ng bansa na mahalaga ang COP26 dahil dito ikakasa ang buong implementasyon ng Paris Agreement, na fina-finalize na ang rulebook sa kasalukuyang COP25.

Naatasan ang mga bansang lumagda sa 2015 Paris Agreement na maghanda ng kanilang mga pledge, tinatawag na “nationally determined contributions” (NDC), kada limang taon, na magsisimula sa taong 2020.

“For the Philippines, COP26 will be a defining moment in our history. We view it as the start of the full implementation of the Paris Agreement, as we strive to finalize the Paris rulebook in this year’s COP,” ani Legarda.

“The period from COP25 to COP26 will also be just as crucial, as countries are given until March next year to submit their Nationally Determined Contributions (NDCs), which should reflect scaled up commitments 2 in order to achieve the prescribed climate goals in the Paris Agreement. By that time, we can already gauge if our NDCs are on the pathway to limit global temperature rise to two degrees or even further to 1.5 degrees. The outcome will certainly set the tone for COP26,” wika pa niya.

Inaasahan din umano ng Pilipinas na mapabilang sa “Friends of the Chair” na tutulong sa paghahanda ng UK para sa COP26.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?